Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naiisip kita sa bawat araw, buwan at taon na nagdaraan,
Tila ba napakalapit na kitang matagpuan.
Hindi ko man alam nasaan ka at sino ang ‘yong kasama
Masaya ka man o mayroong problema
Hangad ko lang na balang araw ay makita mo
Na ako ay narito at naghihintay sayo
Natupad mo man sa ngayon o hindi ang iyong mga pangarap
Sisiguraduhin kong tutulungan kang makamit ang lahat
‘pag tayo’y nagkaharap

Ngunit ang puso’y nananalangin ng taimtim
Na wag mo sanang pigilan ang iyong damdamin.
Kung sa isang segundo, ako’y iyong mahanap
Maramdaman na ako pala ang nais mong makayakap
Wag ka sanang matakot na magtapat
Wag mo sanang maisip na ika’y di sasapat.
Sapagkat matagal ka nang hinihintay
Nangako sa Maykapal na pag-ibig ko sayo’y iaalay

Hindi ako sigurado kung kalian ka darating,
At kung anong panahon tayo magkakapiling
Ang tanging alam ko lang, ngayon palang ay mahal na mahal na kita
At ang balang araw kong hinahangad ay nalalapit na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required