Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
It was exactly a year ago when I happened to watch the film Hello, Love, Goodbye. It was purely out of intrigue and curiosity since bago ang tandem nila Alden and Kathryn that time. Watching it makes me think na OA yung hype and reviews but to my amazement, maganda talaga siya. Not the typical lovestory you binge watch. Siguro kasi OFW din ako at nakakarelate ako sa story. Anyways, here are some of the life values I’ve learnt from it.
- Mahirap maging OFW sa totoo lang. Bukod sa malayo ka sa pamilya at sa nakasanayan mo na buhay, kailangan mo ring mag adjust sa lugar kung nasaan ka. Kultura, pamumuhay, relihiyon, name it. Yung sakripisyo titiisin mo talaga kasi may pangarap ka. Titiisin mo para sa pamilya.
- Yung lahat ng klase ng trabaho na mayroon, papasukin mo kahit na nakapagtapos ka pa ng pag-aaral. Kasi sa ibang bansa kapag may opportunity, go grab na. Sa ibang bansa walang puwang ang pagiging maarte. Kasi hindi ka nila hahabulin dahil lang sa nakapagtapos ka. Diskarte at sipag ang labanan dito.
- Dalawang klase ng pagmamahal. Yung pagmamahal na papipiliin ka at pagmamahal na susuportahan ka. Yung maturity sa love na hindi puro paglalandi bagkus iisipin niyo yung growth ng isa’t-isa. Na kahit sobrang mahal niyo man ang bawat isa, minsan you just have to let go.
- It’s never too late to chase your dreams. Kahit gaano man katagal, kahirap, kapag sinubukan mo walang mawawala. Take a risk in life para sa bandang huli wala kang pagsisihan. Love will follow if it’s really for you.
- We are given choices in life. It’s up to us kung papaano natin ihahandle. Walang right or wrong choice kasi ikaw ang magdedetermine sa resulta ng pinili mo.
- Sa life may mga detour. Sila yung mga tao na makikilala natin na pwedeng magpabago sa kung sino at ano tayo. Lugar na magbibigay ng mga alaala ng kalungkutan, kasiyahan at aral patungkol sa buhay. Ikaw ang huhulma sa buhay ng nais mong tahakin.
- and lastly, goodbyes don’t always mean goodbye. Goodbyes are yet another chapter in our book. Eto yung susunod na pahina sa kwento ng buhay natin. Goodbye is the start of something new in our life.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
PS. Sa mga hindi pa nakakapanood, I recommend to watch the film. Not because it was Kath or Alden, but because the film itself is extraordinary. You might agree or disagree with some of my inputs , that’s acceptable though. Hope you enjoy watching it again!