Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
- Huwag ka maniwala agad. If they sounds too dramatic, find evidences na hindi talaga sila yung may kasalanan kung bakit sila nakipag-hiwalay or hiniwalayan ng mga ex nila.
- Huwag kang marupok. Don’t fall into someone na puro negativity yung kwento sa mga past nila. Toxic yan. Baka mamaya bored lang sila kaya nakikipagkwentuhan sayo.
- Huwag ka magpaka-robot. Not because dramatic sila eh kasalanan mo na. Huwag kang makonsensya dahil lang dinadramahan ka. You always have a choice to leave the table.
- Choose clarity and peace. Kapag sobrang drama na niya and affected na yung mental health mo baka it’s time to move out na lalo na kapag wala namang label.
- You deserve more! Not just toxicity and manipulation. Kapag nakikita mo nang parang wala ka nang nagiging decision in life and you always follow their rules, baka ito na ang time to choose yourself.
- Love yourself more. You we’re loved by Jesus not settle into someone na selfish at sinisiraan ka sa iba. Trust me, there is someone out there who can love you like Jesus.
- Respect yourself more. If hindi niya kayang i-respeto yung decisions mo in life baka need mo na din ipakita na you can respect yourself by choosing yourself.
- Weight things out. Kapag puro drama na lang sila at always na pinapalabas na ang sama mo as a person or parang kinawawa sila ng mundo then timbangin mo na, Sis! Ano ba ang mas importante? Happiness at satisfaction nila or freedom at happiness mo?
- Stand firm. If ayaw mo na, if pagod ka na and gusto mo nang makipag-hiwalay then go. Panindigan mo, isipin mo na kailangan mo din ang self mo para sa sarili mo.
- Let go. Masakit sa end mo lalo pa at kung pakiramdam mo na kasalanan mo, wala eh may mga tao talagang magaling sa manipulation. Pero trust me, at the end? It’s worth it. Lahat ng pain and struggles, pansamantala lang yan. Once you find yourself again? Masasabi mo na lang “Thankful kasi hindi ako nag-settle for less.”