San nga ba tayo nagsimula?
Categories Poetry

San nga ba tayo nagsimula?

Nagsimula sa pagpapakilala ng mga pangalan, nagkakulitan nagkapalitan ng mga pangalan, sa pangalan nagsimula pangalang pinagmulan ng pagmamahalan matatag.

Nagkatawagan, nagkapalitan ng mensahe araw araw inaabot ng gabi gabi, pagkukukulitang nauwi sa asaran, asarang pinagmulan ng storyang kay ganda.

Unti – Unti nagkakamabutihan at nagkakaseryosohan pangalang pinagmulan napalitan ng pagmamahalang sinubok at tinakda ng panahon.

Nagkakatampuhan di nagkakamabutihan mga gabing di pinapalipas matapos ng di magkasundo.

Ay napalitan ng gabing di naguunawaan nagtatalo nagbabangayan nagkapalitan ng diskusyunan.

Hanggang ang diskusyunan ay napunta sa pag iiwasan paghahabulan,nagkakasakitan ng damdamin na nagsimula sa masayang pangyayare, ay napalitan ng di kanais nais na pangyayare.

Bakit? Bakit nagkaganito? ang masayang ala ala naisantabi kinalimutan, masasayang ala ala, mananatiling alaala na lamang.

Kung ang mga alaala ay kaya pang balikan, babalikan at babalikan dun sa parteng masaya at walang iniisip na problema,

Sana maayos pa ang nalamatang pagsasamahan, pagsasamahang may pagmamahalang kasama,

Ikaw padin ang pipiliin kahit di na ako ang iyong kapiling na kahit isang araw ay makapiling ka ulit sa pansamantalang panahon man lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *